Advantage of Having a SmartSAT of PLDT-Smart (Kalamangan ng pagkakaroon ng SmartSAT ng PLDT-Smart)

May Problema Ka Ba sa Signal Mo?
Ito na ang solusyon sa problema mo, ang satellite phone mula sa PLDT-Smart. Walang problema ito sa signal dahil ito ay satellite service siya, ibig kong sabihin siya ay satellite based direct from satellite ang signal mo. Advantage kayo dito kung meron kayo nito, kung ikaw ay kasama sa mga nagre-rescue, isang media o television station, mandaragat, seaman, adventurer, travelling businessman, military, PSG at iba pa.

Anu ba ang SmartSAT?
Sa SmartSAT tinitiyak nito ang iyong koneksyon kahit gaano kaliblib. Ang produktong ito ay ginawa upang mai-angkop sa pangangailangan at liblib na lugar, lagi kang makakapag-usap at makakonekta, sa pamamagitan ng tawag, SMS, o data. Dahil sa superyor na network ng SmartSAT ito ay nagbibigay-daan sa malinaw na komunikasyon at walang patid na saklaw ang dalawa sa tatlong bahagi (2/3) ng buong mundo sa pamamagitan ng satellite, katulad sa Asya, Africa, Australia, Europa, at Gitnang Silangan.

Ang Smart SAT ay talagang ginawa para gumanap o punuan ang pangangailangan sa liblib na lugar para ikaw ay makakonekta o makapag-usap sa iyong mga kasamahan saan man sa mundo.

Iba Pang Mga Benipisyo Ng SMART SATELLITE Service.

MADALING GAMITIN
Tumawag at magtext sa satellite mode sa pamamagitan ng pagkonekta ng iyong smartphone sa Wi0Fi chip ng iyong Satsleeve unit.

MATAGAL NA BATERYA
Dahil sa heavy-duty na baterya kaya nito hanggang sa anim (6) na oras ng pag-uusap at walungpung (80) oras sa standby mode.

PWEDI SA iOS o ANDROID
Pweding gamitin ang iyong SAT unit at Smartphone ng hiwalay at tumawag o magpadala ng mga mensahe sa loob ng bahay.

PWEDING PANTAWAG AT TEXT SA PAMAMAGITAN NG SATELLITE MODE
Hindi na kailangang patuloy na ituro ang SmartSAT XT Lite antenna patungo sa lokasyon ng satellite.

MALAWAK ANG LUGAR NA SAKLAW/SAKOP
Suportado ng pinaka-matatag at malakas na satellite network ng Smart.

May Dalawang Uri Ang Smart Satellite.

1. XT Lite

XT Lite ay isang satellite phone device o aparato na para sa kamay at magaan. Ito ay nagbibigay ng matatag at maaasahang signal kung saan ang signal ng network o Telco ay nakompromiso.

2. Smart SAT SatSleeve Hotspot

Smart SAT SatSleeve Hotspot pwedi itong gamitin na hotspot para sa Apple at Android para ang kanilang telepono ay maging isang Satellite Phone kung saan ang signal ng GSM o kaya ang network o Telco ay nakompromiso.

Saan Ba Pweding Gamitin Ang Smart Satellite Service?

Disaster Preparedness (Paghahanda o tugon sa Sakuna)
Maari itong magamit kung saan ang signal ng cellular o telco ay mahina o di gumagana dahil nasira ng bagyo o kalamidad. Pwedi ring gamitin sa rescue operation sa mga lugar na walang signal ng cellular tulad ng mga bundok o isla sa dagat.

Business Continuity (Pagpapatuloy ng Negosyo)
Maari pa ring palawakin o ituloy ang iyong mga operasyon sa negosyo kahit na walang signal ng cellular sa lugar. Negosyo tulad ng dati sa kabila ng distansya o nasa mapaghamong mga kondisyon.

Media & Broadcast Communication (Medya at Kuminikasyon sa pagbabalita)
 (Medya at Kuminikasyon sa pagbabalita)
Maghatid ng nagbabagang balita mula sa mga liblib na lugar hanggang sa newsroom at madaling makukuha ang impormasyong (live) pangkasalukuyan.

Military Communications (Kumunikasyun sa military)
Maari ring gamitin ito ng militar sa magpapadala at pagtanggap ng mga kritikal na update ng misyon bilang isang maaasahan at ligtas na koneksyon sa satellite.

Maritime Communications (Kumunikasyung Pandagat)
Pweding gamiting pantawag ng crew at solusyon sa komunikasyon para sa operasyon sa dagat ng mga sasakyang pandagat ng anumang uri o laki.

Tourism (Turismo)
Tuloy ang pakikipag-ugnayan sa pamilya, mga kaibigan at mga kasosyo sa negosyo habang nabubuhay ka sa mabibigat na paglalakbay, pag-akyat ng bundok o paglalayag sa kalagitnaan ng dagat.

Ang Mga Singil (rates) at plano/panukala (plans).

Para sa XT Lite o SATSleeve Hotspot

Charging:  Prepaid
Package Price (VAT Inc.) ----> PHP 38,500.00
Initial Preload Credit ---------> 120 units*

Rates sa Pagtawag
Calls to Philippines (SMART/SUN/PLDT) -----> US$0.57
Calls to Philippines (OTHER NETWORKS) ---> US$0.80

IDD Calls (International Direct Dialing).
Band 1  -------------------------> $0.57
Band 2  -------------------------> $0.80
Band 3  -------------------------> $1.15
Band 4  -------------------------> $3.45
Band 5 (Catch All) -----------> $5.75
SMS Rate ----------------------> US$0.23 (per 160 characters)
Data Rate ----------------------> US$0.015/10Kb
Incoming charge --------------> Free
Call to Customer Care -------> Free
Annual Subscription Fee ----> 250 units*

*1 unit = 1 US$ | dito ang isang (1 unit) yunit ay kasinghalaga ng isang (1 dollar) dolyar.

Note : The Annual Subscription Fee of 250 units is required to keep the SIM active for one (1) year. Subscription fee is convertible to airtime that can be used for voice calls, SMS and data transactions. The annual subscription fee starts on the 2nd year of subscription to SMART SAT.

Tandaan: Ang Taunang Bayad sa Subskripsyon ng 250 yunit ay kinakailangan upang mapanatiling aktibo ang SIM para sa isang (1) taon. Ang bayad sa subscription ay pweding i-convert sa airtime na maaaring magamit para sa mga tawag, SMS at mga transaksyong data. Ang taunang bayad sa subskripsyon ay nagsisimula sa ika-dalawang taon ng subskripsyon sa SMART SAT.

Kung may kulang o mali aking interpretasyon maari lang po na mag-iwan ng komento sa baba. 

Maraming salamat sa pagbasa ng blog na ito. Sana nakatulong ako sa iyo.


Source/Credit: PLDT-Smart website, Last updated: April 29, 2020.

Comments

MOST VIEWED

GIGABYTE MJ11-EC0 - Mini-ITX - Socket SP4r2 (rev. 1.2) Tech Specs