How To Look For Job Abroad Using POEA Website (Paano Makakahanap Ng Trabaho Abroad Gamit Ang Website Ng POEA).

Gusto mo bang makapagtrabaho abroad ng hindi maloloko o kaya makakaiwas sa mga illegal recruiter? May paraan kung paano makakakahanap ng trabaho abroad ng segurado. Ngayong araw tuturo ko sa iyo kung papaano. Sana makatulong ako sa iyo sa pamamaraan na ito.

Ang iba ay ngsesearch sa google para sa job abroad pero sa paraan na nakita ko sa POEA Website ay may mabilis at garantisadong legit ang mga kompanya na nghahanap ng mga manggagawa papuntang labas ng bansa. 


Sa ibaba ay ang mga steps kung papaano makakahanap ng trabaho gamit ang POEA Website.

Step 1.  
Buksan ang google chrome browser. Pwedi ring gumamamit ng ibang browser katulad ng Internet Explorer, Firefox, Safari, Edge at iba pa. Mainam na secure o ligtas ang  browser para di makumprumisa ang privacy at mga password mo. Recommedado ko ay ang google chrome browser.




Step 2.
Sa browser web address I-type ang "https:www.poea.gov.ph o poea.gov.ph".



Step 3.
Piliin o I-click/i-tap ang "ONLINE SERVICES".



Step 4.
Sa bagong window na lalabas, piliin o i-click/i-tap ang "Verification of Agency's Job Orders ".



Step 5.
Piliin, I-Tap o I-click ang "Search Available Job Orders by Position".

Ito ang shortcut sa baba sa POEA.GOV.PH.

Website direct link: POEA.GOV.PH Job Vacancies



I-Type mo ang hinahanap mong trabaho. Halimbawa sa baba ay nagtype ako ng "Technician".



Sa baba na halimbawa, may lalabas na resulta na listahan ng mga trabaho ng TECHNICIAN na nasa database ng POEA. Pwedi din na related, kahalintulad o may kasamang TECHNICIAN na trabaho katulad ng TECHNICIAN AC,  TECHNICIAN HVAC, TECHNICIAN MACHINE, TECHNICIAN PHARMACY at iba pa na may relasyon sa TECHNICIAN na trabaho.




Step 6.
Pwe-pwedi ding piliin, i-Tap o i-click ang "Search Available Job Orders by Country".



Dito sa baba, i-click/tap ang down arrow sa drop down list na nasa loob ng box.



Sa ating halimbawa pinil ko ang United States.



I-click/Tap ang "Submit" button.



Dito sa baba na mga larawan, lalabas ang resulta ng mga trabaho sa bansang napili.




Step 7.
Pwe-pwedi ding piliin, i-Tap o i-click ang "Search Available Job Orders by Agency".



Tap/i-click ang drop down arrow sa drop down menu list.



Piliin mo ang Agency na gusto mo.



Susunod, Click/Tap lang ang "Submit" button.



Sa baba, lalabas na ang resulta ng search mo sa Agency na napili.



Sana nakatulong ako sa paghahanap mo ng trabaho abroad.

Maraming salamat sa pagbasa ng aking blog.


Last Updated: 4-24-2020.

Comments

MOST VIEWED

GIGABYTE MJ11-EC0 - Mini-ITX - Socket SP4r2 (rev. 1.2) Tech Specs